11-game winning streak sa Utah; Rockets at Pelicans, umarya

Warriors Trail Blazers Basketball

SALT LAKE CITY (AP) — Tumitibay, sa bawat laban ang katayuan ng Utah Jazz bilang contender sa Western Conference.

Sa isa pang pagkakataon, nalusutan ng Jazz ang karibal sa krusyal na sandali nang pataubin ang Phoenix Suns, 107-97, para sa ika-11 sunod na panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagawang malimitahan ng Utah ang Suns sa isang basket sa loob ng 2:40, habang naisalpak ang apat na sunod na opensa para palawigin ang winning streak.

“When it’s the fourth quarter and it’s time to win, everyone is focused and everyone trusts each other even more,” pahayag ni center Rudy Gobert. “At the end of the game, we make the right play on both ends and usually we end up winning the game because we trust each other.”

Nagsalansan si rookie Donovan Mitchell ng 24 puntos at tumipa si Royce O’Neale ng career-high 19 puntos para sa Jazz.

Nag-ambag si Derrick Favors ng 18 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Gobert ng 14 puntos at 17 rebounds.

Nanguna si Devin Booker sa Suns na may 28 puntos.

PELICANS 139, LAKERS 117

Sa New Orleans, nagpahiyang si Anthony Davis para sa All-Star Game sa dominanteng 42 puntos at 15 rebounds para sandigan ang Pelicans kontra sa Los Angeles Lakers.

“(The Lakers) were switching a lot and (Davis) had a small guy on him a lot,” sambit ni New Orleans coach Alvin Gentry. “He took advantage of it.”

Kumubra si Davis sa 15 for 18 sa field tampok ang tatlong assists, tatlong steals at dalawang blocks, habang kumana si Jrue Holiday ng 24 puntos at 11 assists.

“I was just being aggressive,” pahayag ni Davis.

“We’re on a good little roll and we’re playing with a lot of confidence. We wanted to make sure we finished on a good note before this break. Now we have to make sure we keep it going and come out with a lot of energy after the break.”

Nanguna si Kyle Kuzma na may 23 puntos sa Lakers, habang kumana si Brandon Ingram ng 21 punto.

Nabalutan ng tensyon ang laro nang magkabanggaan sina Los Angeles guard Isaiah Thomasat Pelicans Rajon Ronda. Kapwa napatalsik sa laro ang dalawa, habang tumanggap din ng technical foul si coach Luke Walton.

“There were a lot of things that I was frustrated about at that point,” pahayag ni Walton.”I had had enough.”

ROCKETS 100, KINGS 91

Sa Houston, ginapi ng Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 28 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists, ang Sacramento Kings.

Tangan ng Rockets ang 44-13 marka bago ang All-Star break.

Umabot sa pinakamalaking 17 puntos ang bentahe ng Houston at a kabila ang matikas na paghahabol ng Kings ay nagpakatatag sa krusyal na sandali para sa ikalimang sunod na [panalo.

Hataw si Chris Paul sa naiskor na 19 pountos, habang kumasa si Capela ng 13 puntos at 11 rebounds.

Nanguna sa Kings si Bogdanovic na may 20 puntos.

CLIPPERS 129, CELTICS 119

Sa Boston, pinataob ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni DeAndre Jordan na may 13 puntos, ang Boston Celtics sa teritoryo nitong Garden.

Kumana si Tobias Harris ng 21 puntos, habang umiskor sina Danilo Gallinari at Lou Williams, 19-22.

Humakot si Kyrie Irving ng 33 puntos sa Boston , habang umiskor si Al Horford ng 20 puntos at tumipa si Marcus Morris ng 13 puntos at 11 assist.

Sa iba pang laro, nilupig ng Oklahoma City Thunder ang Grizzlies, 121-114; tinalo ng Washinton Wizards ang New York Knicsk, 118-113; nilapa ng Toronto Raptors ang Chicago Bulls, 122-98; ginapi ng Charlotte Hornets ang Orlando Magic, 104-102, namayani ang Detroit Pistons sa Atlanta Hawks 104-98.