April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Lifeguard sa Boracay, patay matapos iligtas turistang nalulunod

 Lifeguard sa Boracay, patay matapos iligtas turistang nalulunod
Photo courtesy: via MB

Nasawi ang isang lifeguard matapos niyang tangkaing sagipin ang isang Russian national na inanod patungo sa malalim na bahagi ng dagat sa isang beach resort sa Boracay Island sa Aklan.

Kinilala ang lifeguard na si Rex Pablo Aguirre. Ayon sa mga ulat, ang Russian national na kaniyang tinulungan ay nasawi rin kalaunan.

Batay sa pahayag ng barangay captain ng Barangay Yapak, Malay, Aklan na si Hector Casidsid, naganap ang insidente dakong 11:00 ng umaga nang humingi ng tulong ang dayuhan matapos itong matangay patungo sa mas malalim na bahagi ng dagat.

Agad na lumusong sa tubig si Aguirre upang iligtas ang biktima ngunit siya man ay nalunod. Natagpuan ang kaniyang katawan makalipas ang halos 11 oras, bandang 10:00 ng gabi.

Hindi naman naglabas ng pahayag ang Philippine Coast Guard sa Malay at ang Philippine National Police kaugnay ng insidente.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Ayon kay Casidsid, sumailalim sa tamang pagsasanay ang lifeguard ngunit hindi nito naisuot ang life jacket nang mangyari ang pagresponde.

“Kumpleto naman ang kanilang gamit, hindi lang naisuot (ang) lifejacket. Naka-training naman sila sa rescue. Nakita niya ang taong humihingi ng tulong. Ni-rescue rin ng mga Coast Guard,” ani Casidsid.

Patuloy namang nagpapaalala ang mga awtoridad sa mga naliligo sa dagat na maging maingat at sumunod sa mga safety guidelines upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.