Cleveland Cavaliers forward LeBron James (23) celebrates with teammate Jordan Clarkson during the second half of the team's NBA basketball game against the Oklahoma City Thunder in Oklahoma City, Tuesday, Feb. 13, 2018. (AP Photo/Sue Ogrocki)
Cleveland Cavaliers forward LeBron James (23) celebrates with teammate Jordan Clarkson during the second half of the team's NBA basketball game against the Oklahoma City Thunder in Oklahoma City, Tuesday, Feb. 13, 2018. (AP Photo/Sue Ogrocki)

TORONTO (AP) — Nasa unahan na ng Eastern Conference standings ang Toronto Raptors ilang araw bago ang All-Star break.

Ratsada si DeMar DeRozan sa naiskor na 27 puntos at tumipa si Kyle Lowry ng 22 puntos para sandigan ang Raptors sa 115-112 panalo kontra Miami Heat nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para sa ikaanim na sunod na panalo.

Umusad ang Toronto sa 40-16 at napatatag ang NBA-best home record sa 24-4. Naungusan nila ang Boston Celtics (40-18) sa liderato sa Eastern Conference. Nakatakda silang magkaharap sa Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa bisperas ng All-Stars.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag si Serge Ibaka ng 14 puntos at 10 rebounds sa Raptors.

Nanguna sina Goran Dragic at James Johnson sa Heat na may 26 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

CAVS 120, THUNDER 112

Sa Oklahoma City, hataw si LeBron James sa naiskor na 37 puntos, habang patuloy ang matikas na laro nang mga bagong recruit ng Cleveland Cavaliers sa malaking panalo laban sa Thunder.

Naisalpak ng mga bagong recruit na sina Jordan Clarkson at Rodney Hood ang magkasunod na baskets para mailayo ang Cavs sa 96-89 tungo sa huling limang minuto ng laro.

Kumubra si JR Smith ng 18 puntos sa Cavaliers (34-22).

Nabalewala ang balanseng atake ng Thunder, sa pangunguna ni Paul George na may 25 puntos. Kumana si Anthony ng 24 puntos, Steven Adams na may 22 puntos at Westbrook na may 21.

BUCKS 97, HAWKS 92

Sa Milwaukee, naisalpak ni All-Star forward Giannis Antetokounmpo ang dalawang krusyal jumper sa huling tatlong minuto para maitakas ang Bucks laban sa Atlanta Hawks.

Kumana rin si Tyler Zeller ng 14 puntos sa ikasiyam na panalo sa huling 11 laro ng Bucks mula nang masibak si coach Jason Kidd.