Ni Ali G. Macabalang

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang rice retail sale sa tapat ng central office nito sa Quezon City, na inilarawan ni Secretary Manny Piñol na regalo ngayong Valentine’s Day sa publikong nais makabili ng murang bigas.

“The Valentine’s Day Bigas ng Masa or TienDA selling rice at P38 per kilo will mark the start of a nationwide program which would directly connect rice farmers with consumers,” lahad ni Piñol kahapon.

Inilunsad ang proyekto, dalawang araw makaraang aprubahan ng National Food Authority (NFA) Council ang importasyon ng 250,000 metric tons (MT) ng bigas na dadagdag sa imbak na NFA rice, na kamakailan ay umabot na sa pinakamababa nitong monthly level sa loob ng 10 taon.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“I have no problem with that (approved importation). They (NFA authorities) just have to make sure that the buffer rice stocks will not go to private traders who will repack it and sell it as commercial rice,” sinabi ni Piñol nang kapanayamin ng Balita.

Ang Valentine’s Day TienDA ay magsisimulang magbenta ng 4,000 supot ng bigas, na ayon sa kalihim ay bahagi ng mahigit tatlong milyong metriko toneladang surplus na bigas sa unang quarter ng 2018, na nagbigay ng tinatayang 5.8-milyon metric tons na local stock.