(L-R) Coaches Nash Racela (TnT KaTropa), Ricky Dandan (Kia Picanto), Norman Black (Meralco Bolts), at Chito Victolero (Magnolia Hotshots) (MB File Photos)
(L-R) Coaches Nash Racela (TnT KaTropa), Ricky Dandan (Kia Picanto), Norman Black (Meralco Bolts), at Chito Victolero (Magnolia Hotshots) (MB File Photos)

Ni BRIAN YALUNG

MAS kapana-panabik sa basketball fans ang mas maaksiyong ratsadahan sa mga laro ng Philippine Basketball Association (PBA), dahilan para mabuo ang hinala na ibinabalik ng liga ang "No Harm, No Foul".

Ngunit, taliwas ito sa pananaw ni PBA technical director Eric Castro.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sabi ko nga sa mga referees na sabihin sa mga players na hahayahan namin kayong maglaro pero di namin kayo hahayaang magkasakitan, yun yung importante,” pahayag ni Castro sa panayam ng Manila Bulletin/Balita.

Ngunit, anumang paliwanag ni Castro, ang kasalukuyang kaganapan na napapanood ng sambayanan ay tila mas positibo sa liga na ilang taon na ring nakikipagbuno sa takilya.

At maging ang mga coach ay hindi naitago ang pananaw na may malaking pagbabago sa 'officiating'.

Ilang PBA coach ang nakapanayam ni MB Sports Online contributor Ernest Hernandez hingil dito, kabilang sina Chito Victolero, Caloy Garcia at Norman Black.

“I think yung officiating naman so far, ok naman siya. Kung mapapansin mo nga, the players want it and the fans want it. Kung ano man nakikita nila ngayon gusto nila. Up and down basketball, wala masyadong delay. So I think yun naman gusto ng mga Pinoy. Maganda naman para sa liga and so far naman mga players nag e-enjoy din. Siguro may kaunti lang kelangan ma-improve, pero the commissioner works hard naman para mapaganda liga,” pahayag ni Magnolia Hotshots mentor Chito Victolero.

Para kay Rain or Shine Caloy Garcia, nakalilito kung sakaling may pruweba ang isyu dahil hindi sila naabisuhan sa pagbabago.

“Throughout the first games of every team, siyempre madami kaming questions kung bakit ganito, bakit ganoon. Hindi namin alam ito. But na-clarify naman dun sa coaches meeting ni Commissioner (Willie Marcial), nila Eric Castro na this is the kind of basketball we want. So we gave our inputs about the officiating and most of it bumabagsak naman sa consistency ng mga tawag. It’s ok to be physical but for as long as it is part of the game and not to the extent na makakasakit ka,” pahayag ni Garcia.

Sa tatlo, mas malawak ang karanasan sa liga ni Norman Black, hindi lamang bilang coach bagkus isang player na nakikipagbuno sa mga astig na player ng liga.

“I’m ok with it. I have no problems with it (officiating and how the game is played). Obviously, the way it happened was the commissioner really taking over, not really having much of a chance to really sit down with the teams down and talk on how the games are going to be governed or how the fouls will be called. At the same time, I’m coaching just one team. All of the teams have to adjust to the situation here in the PBA. So my team has to adjust also and the quicker you can adjust the better off you are going to be. But as far as the games are being governed by the Commissioner, I am ok with it.”

Ayon naman kay TnT KaTropa coach Nash Racela, ang physical na laro ay isang senaryo na tunay namang kinalulugdan ng mga tagahanga at tagasuporta ng basketball.

“The PBA allows a bit more physicality but makes it clear that dirty plays are not acceptable. Aside from the excitement it brings to the games, I feel it gives the PBA a level of unpredictability that the fans missed the last couple of years,” aniya.

Kung tunay naman isa sa papel ng liga, ang no harm, no foul ay tanggap ni Kia Picanto coach Ricky Dandan.

“I’m all for what is being implemented right now. Comm Willie calls it "Larong Pinoy." Like the rest of the coaches, we'd all like to see consistency in implementation which I feel is the direction the new officiating philosophy is going.”

Wala namang nakikitang masamang epekto sa liga kung gagamitin ang naturang rules, hangga’t malilimitahan ang bawat aksiyon at malalagyan ng hangganan ang lahat upang hindi rin maging dahilan sa injury ng mga players, ayon kay SMB assistant coach Biboy Ravanes, kilalang 'warrior' sa kanyang kapanahunan sa PBA.

“Ok naman yung changes pero kelangan tutukan ng mga referees,” aniya, patungkol sa naging palitan ng bigwas sa pagitan nina Eric Camson ng Kia Picanto at rain or Shine Raymond Almazan.

“Simula pa lang naman nakita na ng mga ref yun, dapat tinawagan na. There is a fine line naman between playing physical and dirty so nung nagkainitan pa lang, dapat they stepped in na,” aniya.

Sa huli, may no harm, no foul man, hindi masisiyahan ang mga manonood kung magiging 'inconsistent' ang tawagan at mabigo ang referee na makontrol ang sitwasyon.