Los Angeles Lakers forward Brandon Ingram, right, shoots as Oklahoma City Thunder center Steven Adams, of New Zealand, defends during the first half of an NBA basketball game Thursday, Feb. 8, 2018, in Los Angeles. (AP Photo/Mark J. Terrill)
Los Angeles Lakers forward Brandon Ingram, right, shoots as Oklahoma City Thunder center Steven Adams, of New Zealand, defends during the first half of an NBA basketball game Thursday, Feb. 8, 2018, in Los Angeles. (AP Photo/Mark J. Terrill)

Wade, DRose at Thomas, ipinamigay ng Cleveland sa three-team trade.

CLEVELAND (AP) — Tila pahiwatig ang buzzer-beating ni LeBron James sa panalo laban sa Minnesota Timberwolves – hindi aalis ang four-time MVP.

Ngunit, humabol sa trading deadline ang Cavs, sa paghahangad na mapatatag ang kampanya sa playoff sa Eastern Conference.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Sa sopresang desisyon nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), ipinamigay ng Cleveland ang anim na player, kabilang sina Isaiah Thomas, Dwyane Wade at Derrick Rose at dalawang future draft picks para mabigyan ng sapat na lugar si James na manatili sa koponan sa mga susunod na season.

Isang ganap na free agent si James sa pagtatapos ng season.

“It’s interesting, really interesting,” pahayag ni Warriors forward Draymond Green, patungkol sa desisyon ng Cleveland management. “It’s probably obviously something that they felt was needed. I feel like they made some good moves. I don’t know, we’ll see. A lot of action. That’s a completely different team now than the team we faced the last three years.

“They’ve still got LeBron James. I think everything else at that point is irrelevant.”

Nagsimula ang ‘overhauling’ ng Cavs nang ipamigay nila sina Thomas, veteran forward Channing Frye at isa sa first-round pick sa Los Angeles Lakers kapalit nina Fil-Am point guard Jordan Clarkson at forward Larry Nance Jr.

Naglaro lamang si Thomas, nakuha ng Cavs sa blockbuster trade sa Boston kapalit ni Kyrie Irving, ng 15 laro dahil nabakante siya ng matagal sa injury sa balakang.

Sunod na naisaayos ang trade ng one-time MVP na si Rose kasama si forward Jae Crowder sa Utah Jazz kapalit ni Rodney Hood. Nakuha rin ng Cavs si guard George Hill mula sa Sacramento Kings kapalit ni guard Iman Shumpert.

Bago natapos ang maghapon, ibinalik ng Cavs si three-time champion Wade sa Miami Heat kapalit ng second-round pick.

WARRIORS 121, MAVS 103

Sa Oakland, California, naisalba ng Golden State Warriors ang malamyang simula para pataubin ang Dallas Mavericks.

Nagsalansan si Stephen Curry ng 20 puntos, walong assists at pitong rebounds, habang kumana si Kevin Durant ng 24 puntos, siyam na rebounds, apat na assists at dalawang blocked shots para tuldukan ang two-game losing skid ng Warriors.

Nag-ambag si Draymond Green ng 12 puntos, 10 rebounds, anim na assists, dalawang blocks at dalawang steals.

Nanguna sa Dallas si Dirk Nowitzki na may 16 puntos, 11 rebounds, season-high limang steals at dalawang blocks.

LAKERS 106, THUNDER 81

Sa Los Angeles, sinamantala ng Lakers ang hindi paglalaro nina Carmelo Anthony at Russel Westbrook para madurog ang Oklahoma City Thunder.

Humirit si Kentavious Caldwell-Pope ng 20 puntos, habang kumana si Brandon Ingram ng 19 puntos, at nag-ambag sina Julius Randle at Kyle Kuzma ng 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hataw si Paul George sa Thunder na may 29 puntos.