PANUNUMPAIN ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga opisyal ng bagong tatag na Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa simpleng seremonya ngayon sa PSC Administration Bldg. sa Rizal Memorial Sports Complex.

Inaasahang sasaksi sina PSC commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey, Arnold Agustin at Celia Kiram.

Manunumpa sina Ed Andaya ng People’s Tonight (president), Dennis Eroa ng Inquirer Group (vice president-Internal), Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (VP-external), Edwin Rollon ng Balita (secretary); Nympha Miano-Ang ng Bulgar (treasurer) at Mae Balbuena ng Pang-Masa (auditor).

Kasama rin sina Enjel Manato ng Abante/Abante Tonite; Fred Nasiad ng Bandera; Jeff Venancio ng Police Files, Clyde Mariano ng Pilipino Mirror; Rico Navarro ng Remate, Jesse Ong ng Market Monitor at Danny Simon ng H.O. Y (directors).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Layunin ng asosasyon na makatulong sa pagpapalago ng sports at pagpapalawak ng mga programa sa pamamagitan ng patas at walang kinikilingan na pagbabalita.

Nakikipagtulungan ang TOPS sa National Press Club (NPC) at Philippine Sportswriters Association (PSA) sa adhikain na mapataas ang antas ng pamamahayag sa bansa.