PUNTIRYA ni Jan Paul Morales na mapatibay ang katayuan sa kasaysayan ng LBC Ronda Pilipinas sa pagdepensa sa korona at ikatlong titulo sa kabuuan sa pagsikad ng ika-8 season ng cycling marathon sa Marso 3-18 simula sa Vigan City at magtatapos sa Filinvest, Alabang.

morales copy

Liyamado ang 32-anyos na si Morales, pambato ng Philippine Navy-Standard Insurance team, na makaulit laban sa mahigpit na karibal at kasangga na si Rudy Roque at Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology sa 14-stage race na itinuturing pinakamalaking taunang cycling race sa bansa.

Tumataginting na P1 milyon ang premyo para sa team competition sa torneo.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Naghihintay ang pedestal sa pambato ng Calumpang, Marikina at Southeast Asian Games gold medalist, na tatarget sa ikatlong titulo at malagpasan si Santy Barnachea na (kampeon noong 2011 at 2015).

Hindi naman magiging madali ang kampanya ni Morales dahil sa inaasahang ratsada ng mga dating kampeon na sina Irish Valenzuela (2012), Mark Galedo (2013) at Reimon Lapaza (2014) sa torneo na itinataguyod ng LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

“I hope to win it again this year,” pahayag ni Morales.

Sa kabila ng pagkawala sa koponan nina team captain Lloyd Lucien Reynante at Daniel Ven Carino, nakuha ng Navy sina many-time Ronda King of the Mountain winner Junrey Navarro at veteran Ronald Oranza. Nasa line-up pa rin sina Roque, El Joshua Carino, Jhon Mark Camingao, Ronald Lomotos at Archie Cardana.

Hindi naman alintana kay Morales na naghanda ang nagpalakas ang mga karibal kabilang sina Barnachea, na sisiskad sa koponan ng Team Francia, Joven ng Army-Bicycology, Valenzuela, Marlboro Tour champion Warren Davadilla ng CCN Super team, Go for Gold’s George Oconer at Jaybop Pagnanawon ng Team Bike Xtreme.

Sisimulam amg karera sa 40-kilometer na biyahe (criterium) sa Marso 3 sa Vigas, kasunod ang 155.4km Vigan-Pagudpud Stage Two. Ang mapaghamong ruta ay kinabibilangan ng 223.5km Pagudpud-Tuguegarao Stage Three sa Marso 5, 135.2km Tuguegarao-Isabela Stage Four sa Marso 6, 179.4km Isabela-Nueva Ecija Stage Five sa Marso 8, 111.8km Nueva Ecija-Tarlac Stage Six sa Marso 9, 31.5km Individual Time Trial Stage Seven at 42.14km Team Time Trial Stage Eight sa Tarlac sa March 10 at 11.

Mapapalaban din ang mga siklista sa 207.2km Silang-Batangas-Tagaytay Stage Nine sa Marso 15, 147.8km Tagaytay-Calaca Stage 10 sa Marso 16, 92.72km Calaca-Calaca Stage 11 sa Marso 17 at 50km Filinvest Alabang criterium Stage 12 sa Marso 18.

Ang iba pang koponan sa sasabak ay Nueva Ecija, Ilocos Sur, Go for Gold Developmental team, South Luzon at Tarlac Province.