Hindi kagandahang balita sa mga motorista: Asahang muli ang isa pang oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50 hanggang 70 sentimos ang kada litro ng gasolina, 50-60 sentimos sa kerosene, at 30-40 sentimos naman sa diesel.
Sakaling ipatupad, ito na ang ikaanim na sunod na linggo na nagtaas-presyo sa produktong petrolyo.
Ang nagbabadyang dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. - Bella Gamotea