Ni Danny J. Estacio

CAMP G. NAKAR, Quezon – Apat na katao ang nasawi at tatlo pa ang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa kalsada sa Gumaca at Lucena City sa Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa pahayag ni Quezon Police Provincial Office director Senior Supt. Rhoderick Armamento, nakilala ang mga nasawi sa Gumaca na si Wilma Reforma, 18, ng Barangay Domoit, Lucena City; at live-in partner nitong si Michael Jade Bitoin, 19, construction worker, ng Bgy. Poblacion, Buenavista.

Sugatan naman si Jonathan Arsoa, 21, construction worker; kinakasama niyang si Mikee Joy; at Felix Bitoin, 43, may asawa, construction worker, pawang taga-Bgy. Poblacion, Buenavista.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Natuklasan sa imbestigasyon na sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Felix, at tinatahak ang Maharlika Highway sa Bgy. Camohaguin nang mawalan ito ng preno matapos na mabangga ng Raymond Bus na minamaneho ni Henry Mesina, 46, ng Bgy. Biyan, Calauag, dakong 1:45 ng madaling-araw.

Nasawi rin sa magkahiwalay na aksidente sa Lucena ang isang 63-anyos na lalaki sa Bgy. Domoit, at isang mangingisda sa Bgy. Market View.

Ayon sa pulisya, sakay sa bisikleta at tumatawid sa Diversion Road si Manoling Lacuesta, 63, ng Bgy. Mayuwi, Tayabas City nang mabangga ng Nissan Urvan na minamaneho ni Danilo Adillo, 61, ng Victoria, Laguna.

Sakay naman sa kanyang motorsiklo si Gilbert Diamante, 39, ng Purok 3, Bgy. Barra, nang salpukin ng UD truck tank na minamaneho ni Moises Mendoza, 52, may asawa, ng Sta. Mesa, Maynila.