Kevin Alas (PBA Images)
Kevin Alas (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

5 n.h. -- Ginebra vs NLEX

MAKAPAGTALA ng panibagong back -to -back win upang umangat at makasalo sa ikatlong posisyon sa team standings ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra ngayong hapon sa pagtutuos nila ng NLEX sa 2018 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Orihinal na nakatakda sa Legazpi City, ang laban ay inilipat sa Cuneta Astrodome sa Pasay City dulot na rin ng patuloy na pagalburuto ng bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.

Tatangkain ng Kings na inspirado mula sa pagpigil sa five-game winning streak ng defending champion San Miguel sa nakaraan nilang laban na umangat sa ikatlong posisyon kasama ng TNT Katropa mula sa kinalalagyang three- way tie sa fourth spot kasalo ng Globalport at may larong Rain or Shine kahapon habang isinasara ang pahinang ito hawak ang patas na barahang 3-3.

Umaasa si Ginebra coach Tim Cone na magsisilbing inspirasyon sa Kings ang naturang panalo kontra Beermen kung saan malaki ang iniambag ng kanilang mga reserves partikular si Raymond Aguilar upang mapunan ang patuloy na pagkawala ng mga injured big men na sina Joe Devance at Greg Slaughter.

Sa kabilang dako, magsisikap namang makabalik sa winning track ang Road Warriors at makaahon sa kinahulugang four-game losing skid.

“Palalim ng palalim ‘yung hukay,” pahayag ni NLEX top rookie Kiefer Ravena. Patungkol sa apat na sunod na kabiguan ng Road warriors matapos ang 2-0 simula.

“Pero we have to be positive. We have to be positive about this,” aniya.

“We have to find a way to help each other out. It can’t be one or two guys stepping up every other game. We have to be consistent together as a team.”