Ni Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Isang umano’y drug personality ang nasawi nang manlaban umano sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Pitong Gatang Street sa Barangay San Roque sa Gapan City, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang napatay sa alyas na “Galunggong”.

Bago ang insidente, nagsagawa umano ang pulisya ng operasyon kontra sa ilegal na droga laban sa suspek na umano’y lumaban nang makatunog na pawang pulis ang sinasabing binentahan niya ng droga, dakong 4:45 ng madaling-araw.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto