Ni Martin A. Sadongdong at Ellson A. Quismorio

Ipinagdiinan ng Philippine National Police (PNP) ang pangangailangan ng mga pulis ng armas, bilang self defense sa pagsasagawa ng “Oplan Tokhang”.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, kahit na ang “true spirit” ng Oplan Tokhang ay pagkatok sa bahay ng mga drug suspect upang hikayatin silang sumuko, hindi maiiwasan ang bayolenteng kumprontasyon.

“Let us make this clear, ‘yung ating Tokhangers armed ‘yan, naka-short FA (firearms) sila for self-defense. Pero sa likod niyan meron ‘yang long FA na security nila,” sabi ni Dela Rosa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“What if pagkatok mo, pag-open ng door, eh, diretso tapon ng granada? Hindi ba? Ang dami nangyaring ganoon kaya imbes Tokhang, ‘Tokbang’. Nagkabarilan na,” dagdag niya.

Sinabi ni Dela Rosa na kahit sinanay, dinisiplina at sinala ang mga Tokhangers upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at lahat ng kapalpakan sa unang Oplan Tokhang, walang kasiguraduhan na sila ay hindi lalaban sa oras na malagay sa panganib ang kanilang buhay.

“Rest assured, hindi kami mangunguna ng ‘blood-letting ceremonies.’ Pero kapag pumutok sila (drug suspects), eh ‘di putok din kami. Alangan namang pabayaan namin sila na upakan kami,” aniya.

Gayunman, para sa dalawang Makabayan bloc lawmakers ay hindi pa rin mapagkakatiwalaan ang PNP sa “Tokhang” operations.

“We cannot trust the Philippine National Police to truly serve and protect the people after the many killings that have been reported with little to no cases filed and solved in the courts,” sinabi kahapon ni ACT-Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio.

“Relaunching the Oplan Tokhang double barrel with thousands of cases of its victims still waiting to seek justice is alarming,” ani Tinio.

Tinuligsa ni Tinio at ng kanyang co-nominee, si ACT-Teachers Rep. France Castro, ang bagong bersiyon ng Tokhang at sinabing ito “still targets the poor and turns a blind eye on big-time drug suppliers and pushers.”

Samantala, aabot sa 563 drug suspects ang sumuko habang walang iniulat na namatay sa unang araw ng pagbabalik ng Oplan Tokhang nitong Lunes, kinumpirma kahapon ng PNP.