Ni Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac – Kritikal ang isang driver makaraang tagain ng Samurai sword o katana sa mukha ng kanyang sinakal na pamangkin sa Barangay Poblacion Center, Ramos, Tarlac.

Kinilala ni SPO1 Ritchel Antonio ang biktimang si Arnold Madriaga, 55, habang ang suspek naman ay si Richard Facun, 36, may asawa, mekaniko, kapwa residente ng nasabing lugar.

Napag-alaman na dakong 9:00 ng gabi nang lasing na dumating sa bahay si Madriaga at pinagmumura ang pamangkin bago hinamon ng suntukan.

Dahil lasing din si Facun ay nagtungo ito sa kanyang kuwarto at kinuha ang kanyang katana at tinaga sa mukha ang tiyuhin.

Probinsya

11-anyos na manlalaro ng sepak takraw, patay matapos mabulunan sa headquarters!

Patuloy na ginagamot ang biktima sa ospital habang kusang sumuko ang suspek sa pulisya.