Ni NITZ MIRALLES
NAKAYA ng kumanta ni Janella Salvador sa presscon ng My Fairy Tail Love Story nang awitin nila ni Elmo Magalona ang theme song ng Disney peg movie na Be My Fairytale.
Sabi rin ni Janella, “okay” na siya after three days na pagkakasakit at tiyak, nakatulong ang pag-aalaga ni Elmo kaya mabilis siyang gumaling.
Naikuwento ni Janella na sa tatlong araw na may sakit siya, three times din siyang binisita ng ka-love team. So, araw-araw ay ito ang nagpainom sa kanya ng gamot. Ang hindi naitanong kay Janella ay kung binisita siya ng mom niya noong may sakit siya.
Anyway, may kanya-kanyang version si Elmo at si Janella ng theme song, at unang ini-release ang version ni Janella. Sa February 2, o 12 days before the showing of the Regal Multimedia movie sa Feb. 14, ire-release naman ang version ni Elmo. Mamili na kayo ng bibilhin or better, purchase both versions.
Sa direction ni Perci Intalan, mukhang papatok sa box-office ang My Fairy Tail Love Story at positive rin ang pakiramdam ni Mother Lily Monteverde na magugustuhan ito ng viewers, lalo na ng mga bata. May kantahan at underwater scenes na lalong nagpaganda sa pelikula.
Samantala, hindi naiwasang tanungin si Janella tungkol sa isyu sa kanila ng kanyang inang si Jenine Desiderio, pero maagap ang road manager niya at mabilis na pinatayo si Janella. Natawa na lang ang mga reporter na naintindihan naman ang sitwasyon.
Careful din si Elmo sa pagsagot sa isyung hindi boto sa kanya ni Jenine para kay Janella at ‘yung isyung nag-gatecrash siya sa Christmas reunion ng pamilya ng mag-ina. Nagalit si Jenine at nag-post sa Facebook tungkol doon.
“Normal lang for a mom to be protective to her daughter. There is nothing wrong with that especially if you really love your daughter. Ako naman, ginagawa ko lang kung ano ang puwede at tamang gawin at iniiwasan kong gawin ang hindi puwede. Like, I visit her at her house,” pahayag ni Elmo.
“Hindi ako nag-gatecrash because I was invited. Janella invited me. I know naging part ako ng situation o isyu, but it is something between her and her mom. I just tell Janella na hindi ibig sabihin noon, lalayo ako sa kanya o aalis ako dahil hindi ako susuko,” patuloy ni Elmo.
Is Janella worth all the issues and the misunderstanding?
“I think she’s worth it. Yes! she’s worth it,” sagot ni Elmo.