PHILADELPHIA (AP) — Iniwan na ni Ronda Rousey ang UFC bilang bagong atraksyon ng WWE.

Naging opisyal ang pagalis ni Rousey, minsang tinaguriang ‘most dangerous women’ sa mixed martial arts, sa UFC sa kanyang pagdating sa WWE Royal Rumble nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Philadelphia.

Ipinahayag din ng dating UFC bantamweight champion sa ESPN na ‘fully committed’ na siya sa wrestling bilang major talents ng WWE.

“This is my life now. Yeah, they have first priority on my time for the next several years,” pahayag ni Rousey.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“This is not a smash and grab, this is not a publicity stunt.”

Dumagundong ang hiyawan mula sa crowd nang lumabas si Rousey matapos ang ginanap na women’s Royal Rumble at panuksong itinuro ang banner na mag nakalimbag na ‘WrestleMania’ na nakatakda sa New Orleans sa Abril.

Ginantihan lamang ng nginit ni Rousey si Royal Rumble winner Asuka nang tapikin nito ang kanyang kamay nang kanya itong batiin. Sunod niyang tinungo ang upuan ni WWE executive at Royal Rumble commentator Stephanie McMahon.

Nagkamayan ang dalawa bago tuluyang nilisan ni Rousey ang arena. Sa kanyang paglalakad, tinatapik niya ang mga kamay nang naghihintay na fas sa gallery.

Hindi na sumabak sa UFC si Rousey matapos makamit ang sopresang 48-second na kabiguan kay Amanda Nunes sa UFC 207 noong December 2016. Tangan ni Rousey ang 12-2 karta sa UFC.

Sinabi ni UFC President Dana White na hindi na niya papayagang makalaro sa kanyang kumpanya si Rousey na tumugon naman na hindi na niya tinatangkilik ang MMA sa nakalipas na taon.

Inaasahang pangungunahan ni Rousey ang Horsewomen laban sa WWE faction sa WrestleMania sa April 8.