Ni Marivic Awitan

TY Tang (MB file photo | Tony Pionilla)
TY Tang (MB file photo | Tony Pionilla)
BALIK aksiyon si TY Tang bilang isang player.

Nagretiro sa competitive basketball si Tang sa edad na 30 at ngayon makalipas ang tatlong taon lalaro siyang muli kasama ng kanyang mga players sa College of St. Benilde para sa koponan ng Go for Gold sa PBA D-League.

Mismong si Go -for -Gold-CSB Scratchers coach Charles Tiu ang naghayag ng nasabing balita.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I think it’s awesome for our team to have Coach TY back,” ani Tiu.“I would say there is no better pure point guard out there who is not playing in the PBA. That’s why I got coach.”

Napilitan na maglaro ulit si Tang pagkatapos na muling bumalik ang medial collateral ligament (MCL) injury ni Kent Salado sa kanang tuhod nito sa unang laro ng koponan noong nakaraang Enero 22.

“The biggest problem is he’s not in shape at all. He hasn’t played competitively or trained in a very long time. This was all a last minute decision because Kent Salado got hurt,” dagdag ni Tiu.

Inamin din ni Tiu na siya ang personal na nakiusap kay Tang para maglaro ulit. “I really pleaded, almost begged him to play. He wants to kill me actually!.”

Huling naglaro si Tang sa PBA noong Agosto 2015 bago nagkaroon ng maikling stint sa koponan ng Mighty Sports sa dating ligang Pilipinas Commercial Basketball League.