Ni Marivic Awitan

Mga Laro sa Sabado

(Rizal Memorial Stadium)

9 n.u. -- UP vs Ateneo (Women)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2 n.h. -- FEU vs UST (Women)

4:30 n.h. -- FEU vs DLSZ (Jrs Final)

PINATAOB ng De La Salle Zobel ang defending champion Far Eastern University-Diliman, 2-0, habang pinapanood sila ni Brazilian football legend Zico para maitakda ang kanilang Finals rematch sa UAAP Season 80 juniors football tournament nitong Linggo sa Rizal Memorial Football Stadium.

Naging agresibo ang Junior Archers sa kabuuan ng laban upang maipalasap sa Baby Tamaraws ang una nitong kabiguan ngayong season at masiguro ang muli nilang pag -usad sa finals.

Sinamantala ni Zico ang kaluwagan sa oras para personal na saksihan ang antas ng football sa bansa. Nasa Manila si Zico para sa ‘unofficial’ two-day Manila visit.

Nauna nang nasiguro ng FEU-Diliman ang No. 1 ranking papasok ng championship round noon pang nakaraang linggo nang makatipon ito ng kabuuang 19 puntos matapos ang double round eliminations.

Nagtapos namang pangalawa ang Junior Archers na may 16 puntos kapantay ng National University na naungusan nila sa goals differential.

Bagama’t bumaba at nagtapos lamang na pangatlo, malaking achievement na rin ito para sa Bullpups na ngayon lamang sumali sa high school football.

Nakatakdang ganapin ang championship match sa darating na Sabado ganap na 4:30 ng hapon sa parehas ding venue kung saan tatargetin ng Baby Tamaraws ang record na 8th title.