Ni Lyka Manalo

Nasugbu, Batangas— Inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nagnakaw sa administration building ng isang ospital sa Nasugbu, Batangas, noong Sabado ng gabi.

Ayon sa report mula sa Police Regional Office (PRO) sa Calabarzon, 10:30 ng gabi nang matuklasang nilooban ang administration building ng Apacible Memorial District Hospital sa Barangay Lumbangan.

Natagpuan ng security guard na makalat sa loob ng gusali at pwersahang binuksan ang mga pintuan sa bawat silid.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng nanakaw sa lugar habang pinaghahanap pa ang mga suspek.