MIAMI (AFP) – Isang cosmic event na hindi nasilayan sa nakalipas na 36 taon – ang bibihirang ‘’super blood blue moon’’ – ang maaaring masilayan sa Enero 31 sa ilang bahagi ng western North America, Asia, Middle East, Russia at Australia.

Usap-usapan ang okasyong ito dahil pinagsasama-sama nito ang tatlong hindi pagkaraniwang lunar events -- ang extra big super moon, blue moon at total lunar eclipse.

‘’It’s an astronomical trifecta,’’ sinabi ni Kelly Beatty, senior editor sa Sky and Telescope magazine.

Ang blue moon ay tumutukoy sa ikalawang full moon sa loob ng isang buwan. Karaniwan na ang blue moon ay nangyayari kada dalawang taon at walong buwan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang full moon na ito ay pangatlo sa serye ng ‘’supermoons,’’ na nangyari kapag masyasdong napalapit ang buwan Earth sa kanyang pag-ikot.

Sa puntong ito, tinatawag na perigee, nagmumukhang mas malaki ng 14 porsiyento at 30 porsiyentong mas maliwanag ang buwan.

Sa eclipse, ang buwan ay gagalaw patungo sa anino ng Earth, at unti-unting magiging white disk of light hanggang maging orange o red.

‘’That red light you see is sunlight that has skimmed and bent through Earth’s atmosphere and continued on through space to the moon,’’ sinabi ni Alan MacRobert ng Sky and Telescope magazine. ‘’In other words, it’s from all the sunrises and sunsets that ring the world at the moment.’’

Ang alignment ng araw, buwan, at Earth ay tatagal ng isang oras at 16 minuto, at masisilayan sa madaling araw sa kanluran ng United States at Canada.

Masasaksihan naman ito ng mga nasa Middle East, Asia, eastern Russia, Australia at New Zealand sa gabi, sa pag-angat ng buwan.