HINIRANG ng ABS-CBN bilang bagong managing director ng ABS-CBN Film Productions Inc. o Star Cinema si Olive Lamasan kasunod ng pagreretiro ni Malou Santos bilang chief operating officer (COO) ng Star Creatives.

DIREK OLIVE copy copy

Bago itinalaga sa kanyang bagong posisyon, pinangunahan ni Direk Olive o mas kilala sa tawag na Inang Olive sa industriya, ang creative department ng Star Cinema at idinirehe ang ilan sa hindi malilimutang mga pelikula tulad ng Madrasta, Milan, Got to Believe, In The Name of Love, The Mistress, Starting Over Again, at Barcelona: A Love Untold.

Samantala, si Malou naman ay magsisilbing executive adviser ng Cinema na siyang nagpapatakbo ng foreign film acquisitions at regional co-productions. Siya rin ang mamamahala sa operasyon ng Citymall cinemas sa ilalim ng Cinescreen Inc.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Noong siya ay COO pa ng Star Creatives, pinangunahan ni Malou ang teams sa likod ng Asia’s longest-running drama anthology na Maalaala Mo Kaya at iba pang world-class dramas tulad ng Pangako Sa ‘Yo, Princess and I, Forevermore, The Legal Wife, Dolce Amore, Lobo, Imortal, at La Luna Sangre.

Sa kanilang pamumuno, inaasahan na maipagpapatuloy ng ABS-CBN ang paghahatid sa mga Pilipino saanman sa mundo ng mga de-kalibre at makabuluhang content gamit ang iba’t ibang media platforms.