Ni Leandro Alborote

CAMP O’DONNELL, Capas, Tarlac - Muling nanawagan kahapon ang pamunuan ng Camp O’Donnell, Capas, Tarlac at sinabing nangangailangan ng karagdagang 500 sundalo ang Philippine Army.

Inihayag ni Major General Casiano Monilla, commander ng Training and Doctrine Command (TRADOC), na kinakailangan na ang mga aplikante ay edad 18-26, may taas na 5’0’’, binata, nakatapos sa kolehiyo o may 72 units sa kolehiyo, at pasado sa Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test o AFPSAT.

Binanggit din niya na ang base pay ay aabot sa P29,668 sa may ranggong Private.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Maaaring magtungo ang mga interesado sa TRADOC Recruitment Office sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.