Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Pasig Sports Center)

2:00 n.h. -- Wang’s Basketball -Letran vs AMA Online Education

4:00 n.h. -- Zarks Burger -Lyceum vs Batangas-EAC

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Spencer Pretta (R) vs Mark Ayonayon (PBA Images)
Spencer Pretta (R) vs Mark Ayonayon (PBA Images)
TATLO pang school-based team ang sasalang sa unang pagkakataon ngayong hapon bilang panimulang aksiyon sa kampanya sa 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Maghaharap sa pambungad na laro ganap na 2:00 ng hapon ang Wang’s Basketball -Letran at ang AMA Online Education na susundan ng tapatan ng Batangas-Emilio Aguinaldo College at Zarks Burger -Lyceum ganap na 4:00 ng hapon.

Target ng Zarks Jawbreakers na makabawi sa opening day loss sa Marinerong Pinoy, 92-94.

Para kay Knights coach Jeff Napa, inaasahan niyang malaki ang magagawa ng exposure sa D League sa kanyang mga players bilang preparasyon sa darating na NCAA season lalo na sa kanyang mga bagong recruits habang target din nilang mabigyan ng isang competitive season ang Couriers

“Wala namang hinihiling si boss Alex (Wang) sa akin, pero gusto naming suklian at ibalik yung kabaitan at ginawa niyang tulong para sa akin, “ pahayag ni Napa.

Hindi naman nakapagsumite ng kinakailangang dokumento, hindi makakalaro sa Titans ang top rookie pick noong draft na si Owen Graham.

Kaya naman, sasandig si coach Mark Herrera sa mga dating mainstays na pinangungunahan ni Andrei Paras.

Nakaranas ng naiibang lebel ng laro sa liga, pipiliting bumangon ng Jawbreakers ni coach Topex Robinson sa pagsabak nila sa ikalawang pagkakataon.

Muling inaasahan na magbabangon sa Zarks sina CJ Perez, JC Marcelino, MJ Stay at Mike Nzeusseu.

Sa kabilang dako, pagbawi naman ang hangad ng Generals na hindi nakatikim ng panalo sa Lyceum na kumakatawan sa Jawbreakers noong nakaraang NCAA Season.