Hindi nag-aabiso ang US Navy sa kanilang paglayag sa Panatag Shoal, may 230 kilometro ang layo mula sa kanluran ng Zambales, inilahad ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay Lorenzana, wala silang kontrol sa anumang gagawin ng mga Amerikano sa South China Sea kaya’t hindi nila alam ang paglayag ng guided-missile destroyer USS Hopper (DDG 70) malapit sa Panatag Shoal, na kapwa inaangkin ng Pilipinas at China.

Dahil sa pangyayari, kaagad na nagpadala ng kanilang bapor ang China para itaboy ang barkong pandigma ng US.

Nakasaad sa pahayag sa website ng US Navy na ang USS Hopper ay bagong karagdagan sa kanilang 7th Fleet area of operations at nasa “independent deployment” ito. Kasama sa misyon nito ang security cooperation, pagbuo ng partner capacity at pagsasagawa ng routine operations. - Fer Taboy

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!