Pinangunahan ni Mayor Rexlon T. Gatchalian ang pagpapasinaya sa limang palapag na gusali ng Pamantasan Lungsod ng Valenzuela (PLV) na pinondohan ng P8 milyon ng city government.

Ito ang magiging main PLV na nakabase sa Barangay Maysan, habang ang orihinal na campus ay matatagpuan sa tabi ng lumang city hall. Dito ililipat ang mga kurso sa Engineering at Accountancy

Tampok sa bagong campus ang ID tracker system sa gate tulad ng “tap and go turnstiles” ng Light Rail Transit (LRT). Irerehistro sa database ang mobile phone number ng mga magulang o guardian ng mag-aaral na makatatanggap ng impormasyon kung napakasok na o nakalabas na ng paaralan ang kanilang mga anak.

“Even the (PLV) Annex kakabitan na rin ng ganitong system. Lagot, wala na kayong takas…wala nang cutting,” ani Gatchalian. - Orly L. Barcala

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter