Nanawagan ang Traffic Sector 4 ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) sa sinumang nakasaksi sa pagsalpok ng truck sa isang tricycle na ikinasawi ng 13-anyos na Grade 7 student na si Alma Espino, na lumantad at makipagtulungan sa imbestigasyon ng awtoridad upang mabigyang-katarungan ang bata.

Ayon kay PO3 Elmer Matibag, ganap na 4:00 ng umaga kahapon nang mangyari ang banggaan sa may Aurora Blvd., sa kanto ng Balete Drive sa Barangay Kaunlaran sa Cubao.

Binabaybay ng tricycle na sinasakyan ni Espino at kanyang mga kaklase ang Aurora Blvd. nang biglang mahagip ng hindi naplakahang truck ang kanilang tricycle.

Lumitaw sa imbestigasyon na sa lakas ng pagkakasagi ng truck sa tricycle ay tumilapon umano si Espino at nagulungan ng truck sa ulo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad namang humarurot ang truck papatakas.

Nabatid na isinugod pa ng rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Espino sa East Avenue Medical Center (EAMC), pero hindi na naisalba ang kanyang buhay. - Jun Fabon