JAKARTA, Indonesia – Ipinamalas ni Filipino martial arts veteran Rene Catalan ang pinakamatikas na performance sa kanyang career sa kalasalukuyan nang dominahin si Peng Xue Wen ng China tungo sa technical knockout para sa ikaapat na sunod na panalo sa ONE Championship nitong Sabado dito.
Ginamit ni Catalan ang karanasan laban sa mas batang karibal para makaiwas sa mga birada at strike ng Chinese sa kaagahan ng laban. Nakatiyempo si Catalan nang tamaan ng sipa sa katawan ang karibal at kaagad niya itong pinaliguan ng suntok.
Sa main event ng ONE: Kings of Courage sa Jakarta Convention Center, nakamit ni “The Panda” Xiong Jing Nan ng China ang ONE Women’s Strawweight World Championship via technical knockout kontra Singaporean Tiffany Teo.
“I want to thank ONE Championship for this chance to show what China, and what women can do. I am happy to represent China and take a lot of pride in that. I feel great and I’m overwhelmed. This is a message to all the women across the world, you can achieve anything. This win is dedicated to my grandmother and grandfather who passed away recently,” pahayag ni Jiag Nan.
Sa co-main event, nanaig ang local star na si Indonesian flyweight prodigy Stefer Rahardian kontra Pakistan’s Muhammad Imran para sa ikatlong sunod n apanalo sa kanyang batang pro career.