UPHSD with Ms. Patricia Louise De Leon (PBA Images)
UPHSD with Ms. Patricia Louise De Leon (PBA Images)

Mga Laro Ngayon (Pasig City Sports Center)

2:00 n.h. -- Gamboa Coffee Mix-St. Clare vs Go-for-Gold-St. Benilde

4:00 n.h. -- CHE-LU Bar and Grill-San Sebastian vs University of Perpetual Help

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

APAT pang school -based squads ang nakatakdang sumalang sa unang pagkakataon at magtatangkang humanay sa opening day winner Marinerong Pilipino sa maagang pangingibabaw sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup ngayong hapon sa Pasig City Sports Center.

Katulong ang mga reinforcements na sina Kent Salado ng Arellano University at mga National University standouts Matt Salem at Jay -jay Alejandro, sasagupain ng Go -for-Gold CSB ang Gamboa Coffee Mix -St. Clare sa unang salpukan ganap na 2:00 ng hapon.

Pangungunahan ang Blazers nina mainstays Unique Naboa, Edward Dixon, Kendrix Belgica at Clement Leutcheu.

Para naman sa kanilang katunggaling Gamboa Coffee Mix na kakatawanin ng dating NAASCU titlist St. Clare College, pamumunuan ang koponan ni coach Jinino Manansala nina John Ambulodto, Aris Dinoisio at Mohammed Pare.

Agad naman itong susundan ng sagupaan ng dalawang NCAA squads CHE-LU Bar and Grill-San Sebastian College at ng University of Perpetual Help ganap na 4:00 ng hapon.

Kapapasok pa lamang sa top 8 ng ongoing Philippine Collegiate Champions League, pangungunahan ang Stags ni coach Egay Macaraya nina Michael Calisaan, Jason David, Enzo Navarro, Allyn Bulanadi, RK Ilagan at Ryan Costelo.

Hahawakan naman sa unang pagkakataon ng balik-NCAA champion coach na si Frankie Like, inaasahan namang pangungunahan ang Altas nina Cameroonian slotman Prince Eze, Keith Pido, AJ Coronel at Rommel Mangalino. - Marivic Awitan