DEDMA si Mikee Quintos sa nararamdamang jet lag nang humarap sa press people dahil kababalik lang niya at ng kanyang pamilya mula sa bakasyon sa Amerika nang ganapin ang presscon ng Sirkus.

MIKOY AT MIKEE copy

Kung hindi dahil sa presscon at sa promotion ng Sirkus na airing na sa Sunday, 6:10 PM sa GMA-7, hindi pa sana babalik ng Pilipinas si Mikee.

Kailangang present siya sa presscon dahil sila ni Mikoy Morales ang pinakabida sa Sirkus. Gaganap silang fraternal twins na sina Mia at Miko na madidiskubre ang kapangyarihan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Nang malaman ko ang project na ito, thankful ako na si Mikoy ang makakasama ko dahil close na kami even before. Ang sabi sa amin, kailangan naming mag-bonding dahil twins ang role namin, pero hindi na kailangan dahil close na kami.

Alam kong gamble sa GMA Public Affairs na kami ni Mikoy ang napili ninyo, promise ibibigay namin ang best namin at ang love namin sa craft,” kuwento ni Mikee.

Naging close rin si Mikee kay Gardo Versoza at sa buong cast at ikinatuwa ang sinabi ni Cherie Gil na, “I love these two” na sila ni Mikoy ang tinutukoy. Enjoy si Cherie na panoorin sila sa taping.

“Nakakakilig ang sinabi ni Ms. Cherie. Nakaka-excite. Pero sa first scene namin sa kanya, intimidated kami ni Mikoy.

It’s a good thing nag-workshop kami kay Yani (Yuzon) at ang payo sa amin, ‘pag kaeksena si Ms. Cherie, just be cool at maging totoo lang kami na aming sinusunod,” reaction ng dalaga.

Ang internationally-awarded writer-director na si Zig Dulay ang director ng Sirkus. Favorite siya ng GMA News & Public Affairs. Nasa presscon din si Ms. Angeli Atienza, ang program manager ng adventure-filled fantasy series at creator ng Sirkus. Tatakbo ito ng one season o 13 weeks, magaganda ang mga eksena, kaya huwag palalampasin every Sunday.

Samantala, boses ni Mikee ang ginamit ng asong si Siri sa bagong teleserye ng network na Sherlock, Jr. na magpa-pilot sa January 29. Bida sa action series si Ruru Madrid at sa totoong buhay, best friends sila ni Mikee, kaya hindi nakakagulat kung boses ni Mikee ang gamitin ng sidekick na aso ni Ruru sa Sherlock, Jr.