MELBOURNE, Australia (AP) — Mistulang ate si Elina Svitolina sa 15-anyos na si Marta Kostyuk nang kanya itong yakapin sa center court at bigyan nang paalala at pampalakas-loob para sa susunod na ratsada ng batang career.

elina-svitolina copy

Tinuldukan ng fourth-seeded na si Svitolina ang matikas na ratsada ng teen phenom, 6-2, 6-2, para makausad sa fourth round ng season-opening major Australian Open nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Rod Laver Arena.

“It was sad playing another Ukrainian girl, same country is always tough,” pahayag ni Svitolina, isa sa limang player na may tsansa na masungkit ang women’s No. 1 sa pagtatapos ng torneo. “She’s a great fighter. She has a great future — we’re going to hear a lot more about her.”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sumabak si Kostyuk sa ranked No. 521 — inaasahang bababa sa mga susunod na araw – matapos magapi sina 25th-seeded Peng Shuai at Olivia Rogowska para tanghaling pinakabatang player na nagwagi sa main-draw match ng Australian Open mula nang magawa ni Martina Hingis noong 1996.

Naitala ni Svitolina, nalalabing seeded player sa kanyang grupo, ang limang aces, at may 11 unforced errors. Hindi siya nakagawa ng double fault sa loob ng 59 minutong laro.

Sunod niyang makakaharap si Denisa Allertova, nagwagi kay Magda Linette 6-1, 6-4.

Ipinagdiwang naman ni Petra Martic ang ika-27 kaarawan sa impresibong 6-3, 3-6, 7-5 panalo kontra Thai qualifier Luksika Kumkhum.

Si Kyle Edmund naman ang unang lalaki na umusad sa fourth round nang maungusan si Nikoloz Basilashvili, 7-6 (0), 3-6, 4-6, 6-0, 7-5, sa larong umabot sa mahigit tatlong oras.

Nauna rito, naisaayos nina Maria Sharapova, 2008 Australian Open winner, at 2016 champion Angelique Ketber ang duelo sa third round nang magwagi sa kani-kanilang karibal.

Ginapi ni Sharapova si No. 14-seeded Anastasija Sevastova 6-1, 7-6 (4), habang nagwagi si Kerber kay Donna Vekic, 6-4-61.

Nagwagi naman si six-time champion Novak Djokovic kay Gael Monfils ng France, 4-6, 6-3, 6-1, 6-3.