Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:30 n.h. -- Globalport vs Blackwater

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7:00 n.g. -- NLEX vs San Miguel Beer

Alex Cabagnot (PBA Images)
Alex Cabagnot (PBA Images)
PATATAGIN ang kapit sa solong pamumuno at mapanatiling malinis ang kanilang marka ang tatangkain ng defending champion San Miguel Beer sa tampok na laro ngayong gabi ng 2018 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ika-4 na sunod na panalo ang pupuntiryahin ng Beermen sa ikalawang laro ganap na 7:00 ng gabi sa pagsagupa nila sa NLEX Road Warriors na hangad namang makaahon sa kinasadlakang dalawang sunod na kabiguan.

Mauuna rito, magtutuos sa pambungad na laban ganap na 4:30 ng hapon ang Globalport at Blackwater.

Tatangkain ng Beermen, ang nag-iisang koponan na di pa dumaranas ng kabiguan na palawigin ang nasimulang 3-game winning run, pinakahuli sa isang out of town game nitong Sabado sa Iloilo City kung saan tinalo nila ang TNT Katropa, 88-76.

Tulad ng dati, magiging malaking sakit ng ulo para sa kanilang katunggali ang mga key players ni coach Leo Austria na sina reigning 4-time MVP Junemar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Chris Ross at Alex Cabagnot.

Kung mapalawig ang kanilang winning run ang tangka ng San Miguel, maputol naman ang losing skid ang hangad ng Road Warriors na dumanas ng magkadikit na kabiguan sa kamay ng Phoenix at Magnolia Hotshots matapos ipanalo ang unang dalawa nilang laban.

At upang magawa ito, inaasahan ni coach Yang Guiao na magtutulung-tulong ang kanyang mga players at hindi aasa sa effort ng iisang tao lamang gaya ng nangyari sa nakaraan nilang laban sa Magnolia kung saan nasayang ang 31-puntos ng sensational rookie na si Kiefer Ravena.

“Kiefer played a great game offensively but he did not get enough support from the rest of the team,” ani Guiao.

“With our system, we always won more games when more people got involved.

Kasalukuyan namang nasa 6-way tie sa ika-4 hanggang ika-9 na puwesto kasalo ng Katropa, , Blackwater ,Phoenix, Rain or Shine at Alaska, magkukumahog ang Road Warriors upang makakalas at makaiwas na malaglag sa ikatlong sunod na pagkabigo.