BEST TABLOID AWARD copy

Ni DIANARA T. ALEGRE

KINILALA ng Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) ang Balita bilang Best Newspaper (Tabloid category).

Nangibabaw ang Balita mula sa ikalawang puwestong natamo noong taong 2016.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Bibigyang-parangal din si Dindo M. Balares (Balita) bilang Best Newspaper Editor (Entertainment) at ang Liwayway (na inilalathala rin ng Manila Bulletin Publishing Corporation) bilang Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat.

Itinatag ni Norman Mauro A. Llaguno, pangulo ng organisasyon, noong 2016, ang GEMS ay samahan ng mga akademisyan mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyunal galing sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng ilang prestihiyosong kolehiyo at pamantasan. Kinikilala at binibigyan nila ng karangalan ang pinakamahuhusay na alagad ng sining sa larangan ng panulat, tanghalan, radyo, telebisyon at pelikula.

Sa larangan ng panulat o print, kinilala ng organisasyon ang Balita bilang pinakanatatangi sa lahat ng mga tabloid sa bansa.

Bilang panukatan, ayon kay G. Llaguno ay nanguna ang Balita sa larangan ng pangkalahatang presentasyon ng mga balita, gramatika, at mahusay na estilo ng pagsusulat at pamamatnugot.

“Ang Balita kahit natapos mo nang basahin, hindi mo basta-basta iniiwanan kung saan-saan, itinutupi mo ito at ipinapasok sa bag at iniuuwi sa pamilya,” wika ni Mr. Norman nang makapanayam namin kahapon nang personal na dalhin ang imbitasyon sa awarding ceremony na gaganapin sa Center for Performing Arts, De La Salle Santiago Zobel School, Ayala Alabang Village, Muntinlupa sa Marso 2, 2018.

Inilarawan niya bilang informative, disente at modernong diyaryo, sinabi niya sa mga kawaning bumubuo sa Balita na ang pagkilala ay hindi lamang sa kahusayan sa pagsulat at pamamatnugot ngunit pati na rin sa dedikasyon sa patuloy sa paghahatid ng mga de-kalidad na balita sa loob ng 46 taon.

Narito ang buong listahan ng mga nagwagi sa GEMS:

Kapuri-puring Guro (Natatanging Hiyas sa Sining ng Pagtuturo)

Solena Valencia Eugenio

Sa Larangan ng Panulat

Best Magazine

Metro (ABS-CBN Publishing Inc.)

Best Publishing Company (Books/Textbooks)

Rex Book Store, Inc.

Best Newspaper (Tabloid)

Balita (Manila Bulletin Publishing Corporation)

Best Newspaper (Broadsheet)

Philippine Daily Inquirer (The Philippine Daily Inquirer, Inc.)

Best Male Newspaper Columnist (Entertainment)

Alwin Ignacio (Abante Tonight)

Best Female Newspaper Columnist (Entertainment)

Cristy Fermin – Most Wanted, Ubos, Chika (Bulgar, PSN, Bandera)

Best Newspaper Editor (Entertainment)

Dindo Balares – Balita

Natatanging Hiyas ng Sining sa Panulat

Liwayway (Manila Bulletin Publishing Corporation)

Sa Larangan ng Radyo

Best Radio Station (AM)

DZMM Radyo Patrol 630 (ABS-CBN)

Best Radio Station (FM)

MOR 101.9 for Life (DWRR) – ABS-CBN Corporation

Best Male Radio DJ

Chris Tsuper – 90.7 Love Radio

Best Female Radio DJ

Nicole Hyala – 90.7 Love Radio

Best Male Radio Broadcaster (Public Affairs/Public Service)

Raffy Tulfo – Wanted sa Radyo (Radyo 5 – 92.3 News FM)

Best Female Radio Broadcaster (Opinion)

Atty. Claire Castro – Usapang de Campanilla (DZMM)

Best Radio Broadcaster (Male or Female–Provincial)

Nelson Arao – Paninindigan – Radyo Uragon (90.7 FM Radio – Legaspi, Albay

Best Male Radio Broadcaster (Entertainment)

Noel Ferrer – Level-up: Showbiz Saturdate with Noel Ferrer and Company (DZIQ)

Best Female Radio Broadcaster (Entertainment)

Cristy Fermin – Cristy FerMinute (Radyo 5 – 92.3 News FM)

Radio Station of the Year

DZMM Radyo Patrol – 630 (ABS-CBN Corporation)

Natatanging Hiyas ng Sining sa Radyo

Radyo Veritas DZRV 846 (Archdiocese of Manila- Global Broadcasting System)

Sa Larangan ng Tanghalan

Best Playwright (Adaptation or Original)

Chris Millado – Buwan at Baril sa Eb Major

Best Stage Play

Ang Buhay ni Galileo

Best Supporting Actor

Jack Yabut - Ang Buhay ni Galileo

Best Supporting Actress

Jackie Loue Blanco – Buwan at Baril sa Eb Major

Best Actor

Joel Lamangan - Ang Buhay ni Galileo

Best Actress

Cherry Pie Picache - Buwan at Baril sa Eb Major

Natatanging Hiyas ng Sining sa Tanghalan

Hiraya Theater Production

Sa Larangan ng Telebisyon

Best News Program

24 Oras (GMA)

Best Male News Program Anchor

Ted Failon – TV Patrol (ABS-CBN)

Best Female News Program Anchor

Jessica Soho – State of the Nation (GMA News TV)

Best Television Programas /Shows (Top 3)

ASAP – Musical Variety Show (ABS-CBN)

I can See Your Voice – Game Show (ABS-CBN)

Eat Bulaga – Variety Show (GMA)

Best Television Program /Show Emcees (Top 3)

Luis Manzano – I can See Your Voice

Atom Araullo – Philippine Seas

Pia Guanio – Mago – Eat Bulaga

Best TV Special

Wowowin: The Marawi Tribute – Puso Para sa Bayan (GMA)

Best Foreign TV Series

Goblin (ABS-CBN 2)

Best TV Series

The Good Son (ABS-CBN)

Best Performance in a Supporting Role - TV Series (Male or Female)

Dimples Romana – The Greatest Love (ABS-CBN)

Best Actor (TV Series)

RK Bagatsing – Wildflower

Best Actress (TV Series)

Maja Salvador - Wildflower

Best Actor (Single Performance)

Piolo Pascual – “Upuan” – Maalala Mo Kaya (ABS-CBN)

Best Actress (Single Performance)

Angel Locsin – “Picture” - Maalala Mo Kaya (ABS-CBN)

TV Station of the Year

ABS-CBN

Sa Larangan ng Pelikula

Best Students’ Short Film Award

Kaming Mga Nakakulong

Bachelor of Arts in Digital Filmmaking

De La Salle-College of Saint Benilde

Natatanging Pelikulang Pangkalikasan

High Tide (Universal Harvester Incorporated)

Natatanging Pelikulang Pangkasarian

Changing Partners (Cinema One Originals)

Natatanging Pelikulang Pangkarapatang Pantao

Respeto (Dogzilla and Arkeo Films)

Best Film (Indie)

Ang Larawan (Culturian- Musicat Productions Inc.)

Best Film (Mainstream)

100 Tula Para Kay Stella (Viva Films)

Best Film Director (Indie)

Loy Arcenas – Ang Larawan

Best Film Director (Mainstream)

Jason Paul Laxamana – 100 Tula Para Kay Stella

Best Supporting Actor

Paulo Avelino – Ang Larawan

Best Supporting Actress

Jasmine Curtis-Smith – Siargao

Best Actor

JC Santos – 100 Tula Para Kay Stella

Best Actress

Bela Padilla – 100 Tula Para Kay Stella

Natatanging Hiyas sa Pinilakang Tabing

Ronaldo Valdez (TV and Movie Actor)