Ni REGGEE BONOAN

MADE na si Moira dela Torre!

Siya ang hottest na recording artist ngayon. At sa takbo ng mga nangyayari, siya rin ang susunod na magiging hottest concert performer.

MOIRA copy

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Simula kasi nang manalo sa Himig Handog 2017 ang kanyang Titibo-tibo ay bigla siyang naging paborito ng lahat na music lovers, millennials man o hindi. Hindi maka-get over ang sinumang makarinig sa nakakabagets na kanta niya.

Ang resulta? Heto na, sold-out kaagad sa loob ng apat na araw lang simula nang maging available ang tickets ng upcoming solo concert niya sa Kia Theater sa Pebrero 17 at marami pa ang gustong manood, kaya ginawa na itong dalawang gabi.

“Due to the overwhelming response of concert goers - WITH ALL TICKETS SOLD OUT IN JUST 4 DAYS!!! AND STILL A STRONG DEMAND FOR MORE - we are opening up another night for more people to experience her music. See you for the 2ND NIGHT of Moira dela Torre’s Tagpuan on Feb 18, 7PM at the KIA Theater. #TagpuanSaKia #MoiraDelaTorre

#CornerstoneConcerts#BrightBulbProductions #CornerstoneArtists,” post ng Cornerstone management ni Moira.

Star-studded ang guests ni Moira tulad nina Yeng, Keana Valenciano, Iñigo Pascual, Sam Milby at iba pang under negotiation.

KUNG kailan umaalagwa ang singing career ni Moira de la Torre ay saka naman may balitang magpapakasal na siya sa kanyang longtime boyfriend na si Jason Marvin.

Nagsimula ang balita nang ipakilala na ni Moira si Jason sa pamilya ng father side niya. Kapag ganu’n nga naman ang senaryo, posible ngang may plano nang lumagay sa tahimik ang dalagang singer/songwriter.

Matatandaan na ganito rin ang ginawa ni Yeng Constantino, nasa peak ito ng singing career nang magsabi sa manager na si Erickson Raymundo na plano na nitong lumagay sa tahimik at pinayagan naman siya. Pero hindi naman nakaapekto ang pag-aasawa ng Rockstar Queen sa karera niya dahil hanggang ngayon ay kaliwa’t kanan pa rin ang shows pati sa ibang bansa.

Kaya posibleng ganito rin ang mangyari kay Moira, lalo’t multi-talented din siya. Nanalo siya sa katatapos na Wish Music Awards ng Wishclusive Contemporary Folk Performance of the Year para sa awiting Malaya (Beneficiary: Save The Children), Wishclusive Viral Videos of the Year ng Malaya na idinirek ni John Prats at sina Sam Milby/Angelica Panganiban ang featured artists, at Wishclusive Elite Circle para pa rin sa Malaya.

Pero, “Hindi pa mag-aasawa,” sagot sa amin ng handler ni Moira na si Mac Merla nang tanungin namin tungkol sa umugong na tsika.