Ni Dave M. Veridiano, E.E.

KAISA ako ng mga kababayan nating pumuri at pumalakpak sa isang alagad ng batas na nakatalaga bilang Chief of Police (COP) ng isang siyudad sa lalawigan ng Cebu, sa kanyang hayagang paninindigan na gaano man kasama ang isang kriminal, may karapatan pa rin itong magbago at mabuhay para sa mga taong nagmamahal dito.

Ang paniniwalang ito ni Superintendent Byron Allatog, COP ng Bogo Police Station, ang naging dahilan ng matagumpay na pakikibaka ng kanyang istasyon laban sa salot na ilegal na droga na walang ni gapatak na dugong nabubo sa mga bangketa at kalsada. Sa halip ay nakapagbagong buhay ang mga adik at ilang tulak ng droga, samantalang patuloy namang humihimas ng rehas na bakal ang mga talamak na pusher sa kanyang Area of Responsibility (AOR).

Hindi lamang dito sa bansa napabalita ang matagumpay na pamamaraang ito ni Supt. Allatog na sa loob lamang ng halos isang taong bilang COP ng isang bayang may layong 97.8 kilometro mula sa Cebu City, na naging dahilan upang ang City of Bogo ang unang siyudad sa Central Visayas at pangalawa naman sa buong bansa, na naideklarang DRUG FREE ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Pinagpiyestahan ang tagumpay niya ng mga pandaigdigang pahayagan na kalimitang tumutuligsa sa walang habas na pagpatay na nagaganap sa ginagawang pakikibaka sa ilegal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Namayagpag sa buong mundo ang pahayag niyang ito: “Human life is important. Some people may say ‘He’s a drug addict, nothing but trash.’ But do these people even consider the fact that these drug addicts have families? I want people to know that killing is not the final solution to the problem of illegal drugs.”

Sa naging pahayag na ito ni Supt. Allatog ako ay kinakabahan para sa kanya…para sa kanyang career bilang isang matinong opisyal ng Philippine National Police (PNP). Nag-aalala ako sa maaaring kahinatnan ng kanyang propesyong minahal niya ng higit pa sa kanyang buhay!

Bigla kasing bumalik sa aking alaala ang isang pangyayari noong dekada 80 na sa wari ko’y kahawig ng nagaganap ngayon kay Supt. Allatog…Ang nangyari sa career ni Abner Afuang, isang “multi-decorated” na miyembro ng Makati Police, nasira ang makulay niyang “career” bilang isang opisyal ng noo’y Philippine Constabulary – Integrated National Police (PC-INP) na ngayon ay PNP na.

Matapos niyang maka-enkwentro at mapatay ang isang grupo ng mga masasamang loob sa Makati ay nagbigay siya ng isang makatotohanang pahayag na siyang sumira sa kanyang propesyon – napag-initan ng mga BOSS sa Camp Crame, nasuspinde nang matagal, nakabalik, hanggang sa tuluyan nang matanggal sa puwesto.

Ang natatandaan ko, dumating ang hepe ni Afuang sa “scene of the crime” at inanunsiyo nito ang spot promotion ni Afuang. Nagulat si Afuang sa bilis ng pangyayari at hindi siya makapaniwala sa biglaang promotion niya. Sangkaterba na kasi ang awards at medalya niya ng mga panahong iyon pero “pulis patola” pa rin ang tingin niya sa sarili dahil wala siyang koneksyon at ‘di siya bata ng mga BOSS sa Camp Crame.

Nang tanungin si Afuang ng isang reporter kung ano ang nararamdaman niya, ganito ang takbo ng pahayag niyang ikinasira ng career niya: “Ganito talaga sa serbisyo, kailangang makapatay ng kalaban para mapromote. Pero di naman kailangan laging may patayan. May pamilya pa ring nagmamahal sa kanila ang mga iyan at may puwang pa rin ang pagbabagong buhay!”

Sana naman ay maging mali ako sa aking pagsasapantaha para kay Supt. Allatog…HARINAWA!

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]