MAX RHIAN DENNIS AT LOVI copy

Ni NORA CALDERON

THANKFUL kami na naimbita sa press preview ng pilot episode ng The One That Got Away na nag-premiere telecast na kagabi sa GMA-7.

Ipinakilala sa pilot episode si Liam Ilustre (ginagampanan ni Dennis Trillo), bachelor, at ang tatlong naging girlfriends niya, set sa napakagandang Thunderbird Resort sa La Union.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Nandoon si Liam Ilustre na tumanggap ng award at nagulat nang makita si Alex (Lovi Poe) na first girlfriend niya, naka-wedding gown, at inakala niyang ikakasal. Pero ipinakita ni Alex na wala siyang wedding ring at nandoon lamang siya para sa isang fashion show.

Sumunod na nakita ni Liam si Zoe (Rhian Ramos), swimwear designer na naroon din para sa fashion show at nag-model ng isang revealing swimsuit. Pero nakita niyang may kasamang boyfriend si Zoe, si Fabio Ide. Pero mas concerned si Zoe kay Liam at halatang may past din sila.

Nagtatrabaho rin doon si Darcy (Max Collins), isang fitness trainer sa resort at halata ring may dating relasyon kay Liam.

Sa flashbacks, naipakitang mabait si Liam, hindi womanizer dahil hindi niya pinagsabay-sabay ang tatlong babae sa buhay niya. At iyon ang intriguing, ang napakaguwapo, matagumpay na businessman si Liam, pero iniwanan ng tatlong girlfriends.

Unang ipinakita ang flashback sina Liam at Alex nang mag-propose ng kasal ang una, pero isinauli ng huli ang engagement ring dahil hindi pa raw siya nakahandang magpakasal. Nakipag-break naman si Rhian dahil nakita niyang masyadong busy sa business si Liam at walang time sa kanya. Iniwan naman si Liam ni Max nang magtrabaho siya sa ibang bansa at inakalang niloloko lang siya nito, pero ang totoo ay mahal na mahal siya ni Dennis.

Sa muling pagkikita-kita ni Dennis at ng tatlong former girlfriends, halatang pare-pareho pa silang in love. Kaya nang maaksidente si Dennis, tatlo silang sabay-sabay na dumating sa ospital at mukhang mag-aaway-away pa kung sino ba ang dapat mag-alaga sa binata.

Pero na-shock ang tatlong beautiful and sexy girls nang makaharap nila ang equally beautiful girl na nagpakilalang present girlfriend ni Liam, si Chanel (Sophie Albert), isang marketing executive for a local clothing brand.

So, sa palagay ninyo dear readers, sino ang magkakamit sa puso ni Liam kina Alex, Zoe, Darcy at Chanel?

Ipinakita na rin ang bumubuo sa pamilya nilang tatlo, sina Bembol Roco at Snooky Serna ang parents ni Alex, kapatid niya si Jason Abalos at si Ayra Mariano. Anak ni Jayson ang batang si Nemo.

Si Migo Adecer naman ang brother ni Rhian. Si Ivan Dorschner, best friend ni Dennis pero mag-aaway sila dahil na-in love si Ivan kay Max Collins.

Nakakaaliw panoorin ang TOTGA at tiyak na mai-enjoy ito nang husto ng televiewers.