Ibubunyag mismo ni Pangulong Duterte ngayong linggo ang mga pangalan ng mga opisyal ng gobyerno at pulisya na kanyang sisibakin.

Una nang nagpahaging ang Pangulo na susunod niyang sisibakin ang isang “chairman of an entity in government”, dahil umano sa kurapsiyon.

Sinabi rin ng Pangulo na bukod sa 40 hanggang 70 pulis, mayroon ding tatlong heneral ng pulisya na tatanggalin niya sa puwesto.

Matatandaang sinibak ng Pangulo sa puwesto sina Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Amaro III, at Terry Ridon, chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor, dahil sa mga kuwestiyonable at madalas na pagbiyahe ng mga ito sa labas ng bansa. - Beth Camia

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!