Sa halip na isulong ang pagpapatalsik sa kanya, dapat na hintayin na lamang ng mga kritiko ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang kanyang pagreretiro sa serbisyo sa Hulyo, sinabi ng chairman ng pinuno ng House Committee on Justice kahapon, binuhusan ng malamig na tubig ang posibleng impeachment sa pinuno ng anti-graft body ngayong taon.

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na hindi na nila matatalakay pa ang ouster petition na inihain laban kay Morales dahil abala na sila sa impeachment ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at ang panukalang amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

“As she approaches her retirement in July 2018, impeaching Ombudsman Morales is no longer practical and realistic,” ani Umali.

“Let’s just wait for her retirement, especially now that we are very busy conducting hearings on the impeachment complaint against the Chief Justice and of course the push for federalism,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang 94-pahinang impeachment complaint laban kay Morales ay inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), na kinatawan ni

Atty. Manuelito Luna noong Disyembre 13, 2017.

Ngunit sa petisyon na inaakusahan si Morales ng betrayal of public trust, graft and corruption at culpable violation of the Constitution, walang pang mambabatas na nag-eendorso rito.

Para maisulong ang isang impeachment complaint, dapat itong maberepika at iendorso ng mga mambabatas. - Charissa M. Luci-Atienza