TARGET ni Mark Anthony Barriga, ang Pinoy 2012 Olympian, na masungkit ang unang pro title sa pakikipagtuos kay 7th ranked Jose Argumedo para makopo ang karapatan na maging mandatory challenger kay IBF strawweight champion Hiroti Kyoguchi ng Japan.

Sa sulat ng International Boxing Federation (IBF) kay Sean Gibbons, matchmaker ni barriga, kailang labanan ng Pinoy world No.4 si Argumento sa Marso. Napipisil na venu ang China at Mexico.

Naitala ni Barriga, umusad sa second round ng London Games, ang 8-0 (1 knockout) record mula nang maging pro nitong July 2016. Huli siyang nagwagi nitong December 16, 2017 via unanimous decision kontra Glenne Calacar sa Makati City.

“Handa na ako. Matagal ko na ring hinihintay ang pagkakataon ito,” sambit ng pambato ng Panabo City, Davao del Norte.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasalukuyan siyang nagsasanay sa kampo ni IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

Dating hawak ni Argumedo (20-4-1, 12 KOs) ng Tepic, Nayarit, Mexico ang IBF 105-pound title, ngunit naagaw ito sa kanya ni Kyoguchi.