Ni ERNEST HERNANDEZ

TULAD ng iba, dumaan din sa kabiguan at sakripsiyo si CJ Perez. Sa determinasyon at pagtitiyaga, nagningning ang kanyang career sa NCAA nang pamunuan ng Lyceum of the Philippines sa dominanteng 14-0 sweep sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Hindi maikakaila na ang pagiging MVP ang kanyang tiket para mapasama sa Gilas Pilipinas cadet program na inihahanda para sa 2023 World Cup.

Mula sa kawalan, isa nang ganap na ‘star’ si Perez ay naghihintay ang pagkakataon na maging miyembro ng National Team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Sobrang happy kasi yun nga, nabigyan ulit ng opportunity para represent yung bayan,” sambit ni Perez. “Siguro nakita din yung hard work at dedication ko sa paglalaro kaya siguro in-invite din ako dito.”

Kabilang si Perez sa listahan na hiniling ni SBP president Manny Pangilinan na ihanda para sa FIBA World Cup na gaganapin sa bansa sa 2013.

“Kahit matagal pa, magandang preparation din ito sa amin,” pahayag ni Perez.

Sa kanyang unang sabak sa ensayo ng Gilas pool, nakadaupang-palad niya ang mga kapwa ‘future’ ng Philippine basketball tulad nina UAAP MVP Thirdy Ravena at NCAA rival na si Robert Bolick ng San Beda.

“Maganda sa feeling yun kasi yung dati mong nakakalaban makakasama mo,” aniya. “Kasi basketball, maliit lang naman talaga mundo. Hindi ka naman magtatanim ng sama ng loob or something kaya it is an honor makasama ko sila dito.”

“Siyempre, hindi naman tayo makaka-ano doon kung hindi paghihirapan. Lahat ng magagawa ko, hardwork at kahit anong pwedeng gawin, gagawin ko para makasama sa line-up.”

Iginiit ni Perez na handa siyang ibigay ang lahat at paalabin ang opensa ng Gilas Pilipinas para sa matagumpay na kampanya sa international tournament.

“Siyempre nakilala ako sa ganoon, dadalhin ko hangang dito. Kahit saan naman ako mapuntang mapaglalaruan, dadalhin ko yun,” sambit ni Perez.