lebron-derozan copy

LOS ANGELES (AP) – Nalagpasan ni Cleveland star LeBron James si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks bilang pinakamaraming natanggap na boto, habang naagaw ni Golden State two-time MVP Stephen Curry mula sa kasanggang si Kevin Durant ang pangunguna sa vote fans para sa ikalawang grupo ng botohan sa NBA All-Star Game.

Sa record ng NBA nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), humarurot si James sa ikalawang vote tabulation tangan ang 140,000 bentahe kay first-return leader na si Antetokounmpo.

Sa botohan sa West, umusad si Curry kay Durant na may 40,000 bentahe.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tangan ni James ang kabuuang boto na 1,622,838 kasunod sina Antetokounmpo (1,480,954) at Philadelphia 76ers star Joel Embiid (784,287) sa labanan sa Eastern Conference. Nasa ikaapat si New York Knicks’ center Kristaps Porzingis na may 640,928 boto.

Nangunguna si Boston Celtics star Kyrie Irving sa East guards na may 1,370,643 boto kasunod sina Toronto Raptors’ DeMar DeRozan (537,168), Sixers’ Ben Simmons (397,942), at Indiana Pacers guard Victor Oladipo (385,448).

Sa Western Conference,humakot si Curry ng kabuuang 1,369,658 boto, kasunod sina Houston Rockets’ James Harden (978,540) at Oklahoma City Thunder’s Russell Westbrook (791,332).

Nasa harapan naman sa frontcourt players si Durant na may 1,326,759 boto, kasunod sina New Orleans Pelicans big Anthony Davis (664,687) at warriors’ do-it-all forward Draymond Green (616,730). Nasa ikaapat si DeMarcus Cousins (587,835).

Batay sa bagong format sa All-Star voting, sina James at Curry ang awtomatikong captain ball ay may karapatan na mamili ng mga kasangga bilang starter sa mga players na ibinoto ng mga tagahanga at reserves players mula sa napili ng mga coach.

Tangan ng fan votes ang 50 porsiyento sa botohan sa starter, habang 25 porsiyento lamang ang timbang ng mga kapwa players at media panel. Magtatapos amg fan voting sa Lunes (Martes sa Manila).

Ang All-Star captains at starters ay ipahahayag sa Enero 18. Nakatakda ang The All-Star Game sa February 18 sa Los Angeles.