Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:15 n.h. -- Rain or Shine vs Globalport

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

7:00 n.g. -- Barangay Ginebra vs Blackwater

SOLONG pamumuno ang pupuntiryahin ng crowd favorite Barangay Ginebra Kings sa kanilang pakikipagtuos sa Blackwater sa tampok na laban ng double-header ngayon sa 2018 PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay.

pba copy

Ikatlong sunod na panalo na babasag sa kasalukuyang pagkakatabla sa reigning champion San Miguel Beer ang tatargetin ng Kings sa paghaharap nila ng Elite ngayong 7:00 ng gabi pagkatapos ng unang sagupaan sa pagitan ng Rain or Shine ganap na 4:15 ng hapon.

Bagamat nakakadalawang sunod na panalo, hindi kuntento si Kings coach Tim Cone sa ipinakitang laro ng kanyang mga players na aniya’y tila may championships hang over pa ng nakaraang Governors Cup.

“Well that’s what teams coming from championships do. This is the way they do it. They sleepwalk for 3 and a half quarters and try to win a game down the stretch,” ani Cone.. “That’s what we’re trying to avoid.

Ayon kay Cone, mas gugustuhin pa niyang matalo sila upang magising ng maaga ang mga players.

“In my experience I’ve seen it. They don’t play until they really have to and I’m very disturbed by that,” ayon sa winningest head coach sa league history. “We might be better off losing the basketball game to wake us up, encourage us not to do it again and think we can get away with it.”

Sa panig naman ng kanilang katunggali, tatangkain ng Elite na masundan ang naitalang unang panalo kontra Rain or Shine sa ikalawang laban ngayong season.

Aasahan ni coach Leo Isaac ang pagpapatuloy ng magandang laro ni Mac Belo na siyang nanguna sa nasabing unang panalo kontra Elasto Painters.

Mauuna rito, tatangkain naman ng Rain or Shine na makabalik sa winning track sa pagtutuos nila ng Globalport na target naman ang unang panalo pagkaraang mabigo sa unang dalawa nilang laro .