CALIFORNIA (AP) – Naisantabi ang ‘scoring milestone’ ng nagbabalik-aksiyon na si Kevin Durant nang magapi ng kulang sa starter na Los Angeles Clippers ang Golden State Warriors, 125-106, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hataw si Lou Williams sa naiskor na 50 puntos para pangunahan ang ‘depleted’ Clippers sa sopresang panalo at ikalawang sunod matapos ang back-to-back na kabiguan.

Naitala ni Williams ang 27 puntos sa third period, pinakamaraming puntos na nagawa ng isang player sa isang quarter ngayong season,

Inurot din ng Clippers ang masaya sanang pagdiriwang ng Warriors fans nang maitala ni Durant ang career 20,000 points at maging ika-44 player sa kasaysayan ng NBA at ikalawang pinakabatang nakagawa ng marka sa likod ni LeBron James.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kumubra si Durant ng 40 puntos sa kanyang unang laro mula sa tatlong larong pahinga dulot ng injury. Sumabak ang Warriors na wala sina two-time MVP Steph Curry (ankle injury) at Klay Thompson, na ipinahinga ni coach Steve Kerr.

Sa iba pang laro, sinalanta ng Minnesota Timberwolves ang Oklahoma City Thunder, 104-88; naapula ng Houston Rockets ang Portland Trail Blazers, 121-112; ginapi ng Milwaukee Bucks ang Orlando Magic, 110-103; at tinalo ng Utah Jazz ang Washington Wizards, 107-104;