NADAL: Kumpiyansa sa Australian Open. AP
NADAL: Kumpiyansa sa Australian Open. AP
MELBOURNE (AP) – Tila hindi pa handa si World number one Rafael Nadal sa major tournament.

Sadsad ang Spanish star kay Richard Gasquet sa kanyang unang laro ngayong season, 6-4, 7-5, sa Kooyong Classic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa kabila ng kabiguan, masayang sinabi ni Nadal na maayos na ang kanyang pakiramdam sa napinsalang tuhod.

Naapektuhan ang kampanya ni Nadal sa pagtatapos ng 2017 nang magtamo ng injury sa kanang tuhod. Ito ang dahilan sa kanyang pagatras sa nakalipas na Brisbane International. Nagdesisyon siyang sumabak sa non-tour event sa Melbourne.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Aniya, patuloy niyang pinaghahandaan ang Australian Open na magsisimula sa Miyerkules sa Melbourne Park.

“I”m very happy to be back in Australia,” aniya. “I had a heavy year in 2017 and I started my preparation later than usual.

“But I’ve arrived in plenty of time. It’s great to get the feeling once again of playing a match. This was a good test for me after some good training, that’s the most important thing.”

Malayo sa kanyang matikas na porma ang 16-time Grand Slam winner laban sa karibal na 15-0 niyang tinalo sa ATP Tour.

Sa kabila ng injury, kabilang ang 31-anyos na si Nadal sa entry list ng Australian Open.

“The knee is fine. I’m here,” sambit ni Nadal.

“If I was not feeling good I would not be here, so that’s good news. I’ll train hard over the next few days for the Australian Open, I will be ready.”