Ni Rizaldy Comanda

LA TRINIDAD, Benguet – Iniulat ng Police Regional Office-Cordillera (PROCOR) ang pagkakadakip noong 2017 sa kabuuang 2,293 wanted at tatlong top most wanted persons, na may mga patong sa ulo, sa Cordillera.

Sinabi ni Chief Supt. Elmo Sarona, PROCOR director, na epektibong nakatupad sa “Oplan Lambat-Sibat” ng pulisya ang Baguio City Police Office, na nagsagawa ng 857 pag-aresto; kasunod ang Benguet, nakadakip ng 413; Abra, 224; Kalinga, 204; Ifugao, 191; Apayao, 86; at Mountain Province, na nagsagawa ng 79 na pag-aresto.

Para sa ten most wanted persons (TMWP), may kabuuang 239 ang naaresto, 10 ay wanted sa regional level, 66 sa provincial level, at 163 sa municipal/city level.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nadakip din noong nakaraang taon ang pangunahing wanted sa national level na si Willy Sagasag, na may P600,000 patong sa ulo; Prudencio Cortez, na may P4.8 milyon pabuya sa pagdakip; at Bernard Wacoy, na may patong sa ulo na P90,000.