PANMUNJOM (AFP) – Sinimulan ng North at South Korea ang kanilang unang opisyal na mga pag-uusap sa loob ng mahigit dalawang taon kahapon, na nakatuon sa gaganaping Winter Olympics matapos ang ilang buwang tensiyon kaugnay sa nuclear weapons program ng Pyongyang.

Ginanap ito Panmunjom, ang truce village sa Demilitarized Zone na naghahati sa peninsula, matapos magpahiwatig si North Korean leader Kim Jong-Un na posibleng magpapadala siya ng delegasyon sa Games sa Pyeongchang sa South sa susunod na buwan.

Tumugon ang Seoul sa pag-alok ng high-level dialogue, at nitong nakaraang linggo ay ibinalik ang hotline sa pagitan ng dalawang Korea matapos itong maputol ng halos dalawang taon.

Bumiyahe ang five-member delegation ng Seoul, sa pamumuno ni unification minister Cho Myoung-Gyon, sa Panmunjom kasama ang convoy ng mga sasakyan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang grupo ng naman ng North, may pareho ring dami, sa pinamumunuan ni senior official Ri Son-Gwon, ay tumawid sa Military Demarcation Line sa Panmunjom para sa mga pag-uusap.

Nagkamay sina Cho at Ri sa bukana ng Peace House, ang gusali sa southern side kung saan ginanap ang mga pag-uusap, at muli habang magkaharap sa mesa.

“Let’s present the people with a precious new year’s gift,” sabi ni Ri.

“The people have a strong desire to see the North and South move toward peace and reconciliation,” sabi naman ni Cho.

Bukod sa Olympics, posible ring pag-uusapan ng dalawang panig ang ilang isyu. Nais talakayin ng South Korea ang muling pagpapatuloy sa family reunion. Hinahangad naman ng North ang permanenteng pagwawakas sa military drills ng Seoul at Washington.