Ni Leslie Ann G. Aquino

Ang nagsisiksikan at nagtutulakang mga deboto para makalapit sa Poong Nazareno o para makahawak sa lubid sa andas nito ay karaniwan nang tanawin tuwing Traslacion o prusisyon ng imahe.

Sa kagustuhang makakuha ng bahagi ng lubid, ang iba ay umaabot pa sa puntong kinakagat ito para maputol.

Pero alam ba ninyo na maaari kayong humingi ng hibla ng lubid?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Father Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Nazarene, ang mga lubid na ginamit noong mga nakaraang Traslacion ay nakatago lamang sa Quiapo Church kaya nagpasya siyang ilagay ang mga ito sa maliliit na plastic at ipamigay sa sinumang nais humingi nito.

“It’s (ropes) just there. So, I said if you really want a piece of the rope I can give you after the procession. I already prepared it. I placed it inside a plastic so it will be presentable,” sabi niya nang mainterbyu kahapon sa Quirino Grandstand sa Manila, nang pangunahan niya ang espesyal na misa para sa mga volunteer ng Traslacion. “Others bite it just to get a strand. I tell them to just ask (for strands).”

Sinabi niya na nagpipilit makakuha ng hibla ng pisi ang ilang deboto sa paniniwalang magbibigay ito ng suwerte sa kanila.

“They believe it will bring them luck that’s why you will see there are cuts in the rope,” sabi ni Fr. Badong.