Ni Nitz Miralles

PANALO ang photos na ipino-post nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanya-kanyang social media account sa bakasyon nila sa Bohol. Akala ng fans ng dalawa, solved na sila sa kilig sa silhouette photo na ipinost ni Dennis na magkayakap sila ni Jennylyn.

DENNIS AT JENNYLYN copy copy

Dahil sa photo na ‘yun, marami ang nagsabing relationship goals sila at may mga nangumbisi pa na magpakasal na and start their own family.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi doon nagtapos ang pampakilig nina Dennis at Jennylyn dahil may kasunod pa ang napaka-sweet na picture na ‘yun, photo nila na mga paa lang nila ang highlight.

Ang latest na post ni Dennis ay ang solo picture ni Jennylyn in her red sexy one-piece swimsuit na tumatalon, kita ang kaseksihan at may papuwet ang aktres.