Ni JIMI ESCALA

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz
MAHIGIT dalawang buwan nang bakasyon ni John Lloyd Cruz sa weekly sitcom nila ni Toni Gonzaga. Naka-indefinite leave ang actor pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat kung babalik pa ba ito o hindi na sa programa.

Sa ipinalabas na Christmas at New Year presentation ng Home Sweetie Home, walang palatandaan kung muling mapanood na si JLC sa show. Banggit sa amin ng isang taong nagmamalasakit sa showbiz career ni John Lloyd, dapat daw ay kausapin na ng actor ang management ng ABS-CBN.

Ibig niyang sabihin, dapat ay kay John Lloyd Cruz mismo manggagaling kung babalik pa siya o tuluyan na niyang iiwanan ang programa. Maaari raw kasing hinihintay lang ng management ang desisyon ni John Lloyd para tuluyan nang i-reformat ang show at magtuluy-tuloy nang wala na ang character ng actor o palitan na ito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Samantala, marami ang nagsasabi na lalong naging negatibo ang dating ni John Lloyd Cruz sa  pagpo-post nito ng mga salitang hindi dapat tularan ng kabataan. Sabi ng isang TV executive na nakausap namin, sana raw ay mag-ingat ang actor sa mga pagpo-post dahil mismong sarili na ang sinisira nito.

“Maaaring nakainom na naman si John Lloyd kaya nabanggit niya ang mga salitang ‘yun. Dapat malaman niyang isa pa siyang sikat na actor ngayon at anumang gawin niya, eh, tiyak na pag-uusapan,” sabi ng kausap namin.

Sang-ayon din ang TV exec sa punto ng taong nagmamalasakit kay John Lloyd na kung gusto pa ng actor na bumalik sa show nito ay magdesisyon na ito ngayon.

“Baka naman kung kailan niya gustong mag-active ulit sa showbiz, eh, hindi na siya kailangan at napapalitan na siya sa trono niya,” napatawa pa pero seryosong banggit ng kausap namin.