RIYADH/DUBAI (Reuters) – Ikinulong ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang 11 prinsipe matapos silang magtipon sa royal palace sa Riyadh para sa bibihirang protesta laban sa pagtigil ng gobyerno sa pagbabayad sa kanilang utility bills, sinabi ng public prosecutor nitong Sabado.

Nagtipon ang mga prinsipe nitong Huwebes sa Qasr al-Hokm palace at hiniling na kanselahin ang bagong kautusan na nagpapatigil sa pagbayad ng estado sa tubig at kuryente ng mga miyembro ng royal family at bayad para sa death sentence noong 2016 laban sa isa sa kanilang mga pinsan na si Prince Turki bin Saud al-Kabeer.

“Despite being informed that their demands are not lawful, the 11 princes refused to leave the area, disrupting public peace and order. Members of a security services stepped in to restore order and the princes were arrested,” saad sa pahayag ng public prosecutor, nang hindi pinapangalanan ang mga prinsipe.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'