Ni Genalyn D. Kabiling
Aabot sa P50 bilyon ang kinakailangan upang muling ibangon ang Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan, sinabi kahapon ng Malacañang.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Marie Banaag, kinakailangan ng Marawi ang tinatayang P49.81 bilyon para sa rehabilitasyon matapos umabot sa P18.2 bilyon ang halaga ng pinsala ng digmaan.
Ang pinakabagong datos ay nakuha mula sa post-conflict needs assessment na isinagawa ng gobyerno.
âAs of date, the total damage is over P11.61 billion while total losses is over P6.6 billion. The initial estimate of total needs is P49.81 billion. The final results are expected within the month, as committed by the Office of Civil Defense,â sinabi ni Banaag sa Palace press briefing.
Inamin ni Housing and Urban Coordinating Council (HUDCC) head Eduardo del Rosario na maaaring tumaas pa ang kakailanganing pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi.
Sinabi ni Del Rosario na inaasahang isasapinal ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Comprehensive Rehabilitation and Reconstruction Plan (CRRP) para sa Marawi City sa ikalawang linggo ng Marso.
âWhen it comes out, it will now factor in everything that would include the master development plan being envisioned by the city of Marawi and the province of Lanao Del Sur,â sabi ni Del Rosario sa nasabing news conference. âAng plano natin talagang ang Marawi City, itong central business district, ay maging modern central business district.â
Sinabi niya na limang real estate companies ang inaasahang magsusumite ng proposals para sa development ng Marawi.